SHANGHAI, 12 June 2022 – Maalab na nakiisá ang Punong Konsulado sa Shanghai sa paggunitâ ng sambayanán sa iká-124 na Taón ng Pagpapahayág ng Kasarinlán ng Pilipinas.
Sa gitnâ ng patuloy na paghihigpít sa Shanghai sa malakihang pagtitipon bilang pag-iingat sa COVID-19, isáng payák na palátuntúnan ang idinaos ng mga kawanì sa pangunguna ni Consul General Josel F. Ignacio. “PAGSUONG SA HAMON NG PANIBAGONG BUKAS” ang gabáy-nilay ng pagdiriwáng sa kasalukuyang taón.
Matapos ang Pambansáng Awit at panunumpâ sa Watawat ay pinakinggán ang pahatíd na pagbatì ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Kalihim ng Ugnayang Panlabás Teodoro L. Locsin, Jr.
Nagbigáy-pugay si Kalihim Locsin sa mga kababayang nasa ibayong-dagat bilang “source of pride and inspiration”. Ani ng Kalihim, “we, in the Department of Foreign Affairs, did not let a pandemic stop us from cultivating foreign partnerships, securing much-needed vaccines, upholding our sovereign rights, getting overseas Filipinos out of distress, and sharply increasing already considerable consular services”.
Nagbahagì namán si Consul General Ignacio ng halaw mulâ isáng makasaysayang talumpatì: “The Philippine independence of 1896 was too brief. Our independence of 1946 was quickly misused and finally betrayed. In 1986, independence came purely by Filipino effort. That independence had to be won from fellow Filipinos. I want today to be a day of celebration. A celebration commemorating the past sacrifices and noble achievements of the Filipino people in the cause of freedom and independence, a celebration of people power, power that can assure that freedom and independence for all time.” END