Sa Minute Resolution No. 22-0248, pinahintulutan ng COMELEC En Banc ang mga overseas voter na rehistrado sa isang Embahada ó Konsulado na makaboto sa ibáng Embahada ó Konsulado kung saán ang paraán ng botohan ay PERSONAL VOTING.
Mag-sumité lamang pô ng “Manifestation of Intent to Vote in Another Post” at kopya ng pasaporte sa Konsulado kung saán nais bumoto, nang hindî lalampás sa iká-30 ng Abril, 2022. Basahin pô ang buóng Patalastás.
Kung may katanungan, sumulat pô sa amin sa WeChat account na ito, o dî kayá sa email <This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Ang panahón ng overseas voting ay mulâ iká-10 ng Abril hanggáng iká-09 ng Mayo, 2022.
![]() |
![]() |
![]() |