MENU

- Ukol sa isinasagawáng pagpapatalâ sa Konsulado para sa tinátalákay na one-time assistance mulá sa ating Pamahalaán -

1. Marami na pong nakalap na pangalan at lahát pô ay kasalukuyang tinitipon, pinaglalagom, at ipináparatíng sa DFA at OWWA (kung kasapì).

2. Mulî pô, itó ay nakalaán sa kababayang nasa Shanghai at nasasa-mahigpít na pangangailangan bunga ng lockdown. Iparatíng pô agád sa Punong Konsulado ang (1) kumpletong PANGALAN (katulád sa pasaporte); (2) TIRAHAN SA SHANGHAI; (3) TELEPONO; (4) TRABAHO; (5) KUNG OWWA Member o HINDÎ OWWA Member.

3. Ipadalá pô ang inyóng detalye sa pamamagitan ng:

* Email:​<This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.,
* Private message sa WeChat account na itó (WeChat ID: PhinShanghai)
* (NEW!) Kung may Gmail account, maaarì din pong gamitin ang pasadyáng Google Form na matatagpuán dito:
<https://forms.gle/NTiRtaP2dFo88b7X9>

4. HINDÎ po kailangang umulit ang nakapagpadalá na gamit ang email (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.) ó WeChat (ID: PHinShanghai) simula nang lumabas ang aming Patalastas kagabi (08 April). Makatitiyák pô kayó na lahát ng natanggáp na ay kabilang sa talaán ng Konsulado.

Salamat pô!

Advisory Google Form for enlistment for one time assistance