MENU

​Tulad pô ng inyó nang nababatid, ay kasalukuyang puspusang nakikibakà ang Shanghai sa pagkalat ng mga kaso ng COVID-19. Bilang hakbangin, kasalukuyang ipinág-utos ang pag-lockdown sa mga Distritong nasasakupan ng Pudong (iká-28 ng Marso hanggáng iká-1 ng Abril) at ng Puxi (iká-1 hanggáng iká-5 ng Abril).

​Nais pô naming ipabatíd ang sumúsunód:

1. Minamatyagan at sinúsubaybayán pô ng Punong Konsulado ang kalagayan sa Shanghai at iniuulat pô itó sa ating Pamahalaán sa Maynilà.

2. Nakipag-ugnayán na pô ang Punong Konsulado sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) [Pangasiwaan sa Kagalingan ng Manggagawà sa Ibayong-dagat] sa pamamagitán ng kinatawán nito sa Hong Kong, ukol sa usapín ng ayuda para sa ating mga kababayang nangangailangan at nasa alanganin.

3. Sa ngayon pô ay hindî pinapayagan ng Shanghai ang mga sasakyáng panghimpapawid mula sa ibayong-dagat. Ganunpamán, sa isang panayam ay nabanggít pô ni OWWA Administrator Kgg. Hans Leo J. Cacdac na “handa naman tayong tumulong sa kanila, at kung mayroong gustong umuwi ay handa tayong tumulong sa kanilang pag-uwi”.

4. Tinútutúkan pô ng Punong Konsulado ang mga nabanggít na bagay, at daglî pô kamíng maglalabás ng abiso ukol sa anumáng tulong na maaaring maipagkákaloób.

5. Gawâ pô ng malawakang lockdown sa mga Distritong sakláw ng Puxi (kabilang ang Changning) simulâ iká-1 hanggáng iká-5 ng Abril na ipinág-utos ng Pamahalaáng Lungsód ng Shanghai, ay mapípilítan pong manatiling SARADO ang Punong Konsulado sa naturang mga petsa.

6. Samantala’y hinihimok pô natin ang mga kababayan na sumunód sa mga bilin at kautusáng pangkalusugan at pangkaligtasan ng Pamahalaáng Panglungsód ng Shanghai, at ng mga kinaúukúlan sa inyóng mga kanyá-kanyáng gusalì, pamayanan at Distrito.

Huwág pong mag-atubilíng makipág-ugnayan sa amin dito sa WeChat (PHinShanghai) ó sa email <This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.;.

​Mag-ingat pô tayong lahát ng ibayo!

letter letter1