MENU

Ngayong Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa. Kaugnay nito ay nais namin kayong anyayahan panoorin at ibahagi sa inyong nasasakupan ang proyektong pinamagatang “Hulagpos-Hulagway.” Ito ay isang pagtatanghal ng balagtasan, pagtutula, at ibang makabagong plataporma kagaya ng Spoken Word at Rap Battle, na sasalamin sa realidad ng ating pagka-Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang ay “Pagkakaisa sa Pagkakaiba,” hango sa karanasan ng ating paglaya mula sa kaisipang kolonyal at pananakop na iuugnay sa panahon ng pandemya. Ang konsepto ay nakalakip para sa impormasyon ng lahat. Ang pagtatanghal ay gaganapin sa ika-30 Agosto 2021, 7:00 ng gabi at ipapalabas sa Facebook page ng DFA.

hulagposposter.png